Ikaw ay isang magandang biyaya ng Diyos! 

Pinagkalooban ka Niya ng mga katangian, 

karunungan, at iba’t ibang kakayahan bilang 

patunay na ikaw ay mahalaga. Gamitin mo 

ang mga ito upang ikaw ay higit na lumaking 

masigla, mabuti, at kaaya-ayang anak, kapatid, 

kamag-aral, kapuwa, at mamamayan ng ating 

bansang Pilipinas.

Ang aklat na ito sa Filipino, Biyaya ng Filipino, ay inihanda para sa iyo na mag-aaral sa Kinder 1. Ito ay makatutugon sa mga kailangan mong mga kaalaman, kasanayan, at kasama na rin ang pagpapahalaga sa aralin. 

Tinatalakay sa aklat na ito ang mga paksang makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Isinaayos ang mga paksa at mga gawain upang ang mga ito ay maging kawili-wili para sa iyo.

Inaasahang makatutulong sa iyo ang aklat na ito sa pagkakaroon ng dagdag pang-unawa at kahandaan sa pagiging kapaki-pakinabang na bata ng sariling tahanan, pamayanan, at bansa.