Ang seryeng ito, Pilipinas sa Makabagong Mundo: Isang Hamon, ay binuo upang matamo ang pangangailangang intelektuwal ng mga mag-aaral na Pilipino at malinang ang kasanayan at pagpapahalagang dapat nilang taglayin. Ang mga leksiyon, gawain, at pagsusuring nasa aklat ay ibinatay sa kasalukuyang K to 12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang mga ito ay nakatuon tungo sa matamang pagbabago sa pangkapaligirang kaalaman at respeto sa kapuwa nang hindi alintana ang kasarian at relihiyon.